Umuuga ang Kabahayan; Tulog na ang mga Bata

Ang kauna-unahang kwentong pambatang kapupulutan ng gintong aral.

1st Place, Bin Awards for Literature

Image via usapang-komiks.blogspot.com

Osmundo! Osmundo! Ang mga bata! Baka magising!

Umuulan. Walang puknit ang pag-guhit ng kidlat at pag-dagundong ng kulog mula sa kalangitan. Madilim ang paligid at ramdam ang lamig at dalang lakas ng nagbabadyang hangin. Ngunit sa estado na ito ng panahon, nanatiling tulog ang mga bata. Nanatiling pawis na pawis ang mag-asawa. Pagod at puyat na, ngunit hindi iindahin masigurado lamang na hindi magigising ang mga supling.

Kasalukuyang umuuga ang kanilang bahay. At ang mag-asawa’y hindi pa nakukuntento, paiba-iba pa ng puwesto. Ngunit sinisigurado na sa bawat pagkilos nila, bagama’t marahan ay hindi magigising ang mga bata. Tumatagas na ang likido buhat sa butas at ang dulot nito sakanila ay pagkabasa’t pagdulas.

Isang sigaw ang maririnig sa bawat pagbayo:
Osmundo! Osmundo! Ang mga bata! Baka magising!

Alangang luha na may kasamang hinagpis. Ngunit alam nilang sa pagtatapos ng pagbayong ito, gagaan na rin sa wakas ang pakiramdam nila.

***

Kinabukasan sa isang live TV Coverage. Makikita ang isang ginang na pilit na niyayakap ang kanyang asawa at humahagulgol. Iyak ng ligaya. Iyak ng pasasalamat. Nasa likod naman nila ang kanilang mga supling na pilit na nagkukubli at alangang nahihiya o nagkukubli mula sa liwanag ng incandescent lighting. Nasa likod naman ng iniinterview-ng mag-asawa ang daan-daang residenteng apektado rin ng bagyo. Kumakaway, ngumingiti, parang hindi ininda ang hatid na delubyo ng nagdaang bagyo.

Osmundo: *napapahikbi* Nagpapasalamat pa rin po kami sa Diyos at kahit na sobrang umuuga na ang aming bahay dulot ng napakalakas na hangin ay hindi pa rin ito nadala. Halos puyat na puyat na kami kakabantay sa mga anak naming masigurado lamang namin na ligtas sila.

Reporter: Ano po yung mga ginawa n’yo buong magdamag? Pinalilikas na po kayo maaga pa lang diba?

Osmundo: Huli na ang lahat nang malaman naming malakas pala talaga ang bagyo. Palipat-lipat kami ng puwestong mag-asawa. Sinisiguradong hindi sila mababasa ng mga tagas ng tubig na nagmumula sa butas ng maralita naming bubong. Malakas ang pagbayo ni Bagyong Sedeng. Humihingi po kami ng tulong.

Mapapanuod primetime news ang nasabing interview subalit ang huling limang salita lamang ni Osmundo ang included. Cameo appearance naman ang marami sa kanyang mga ka-barangay sa isang segment ng Tulong Kapitbahay.

Nagpapakita lamang ang kwentong ito ng pag-protekta ng isang magulang sa kanilang anak na wala pang muwang, musmos at wala pang kalaban-laban. Nagpapakita lamang ng pagmamahal ng isang magulang na walang hinihintay na kapalit. Nagpapakita rin ang kwentong ito, na kung titigil tigilan mo na ang panunuod ng malalaswang palabas mula sa malalaking TV Network, hijo, hija, baka hindi ganyan pag-iisip mo. Bakit nga hindi na lang muna natin patulugin ang mga bata? Hmmmmm.

IBALIK ANG MORNING EDUCATIONAL PROGRAMS! IBALIK ANG AFTERNOON ANIME SHOWS!

Image via youtube.com

O? Balak nang i-ban nina Hontiveros at Sotto ang porn sa bansa mo ah? Tandaan. Kapag nagkaroon ng matinding kakapusan, maaaring magka-rebolusyon, bumalik sa cannibalism o pwede rin namang bumalik na lang tayo sa very basic form of hunting.

*Hugot ng brochure ng Avon sa drawer ni Mama*

Advertisements

INTERVIEW NA WASAK

Mga Kwento’t Hinaing ng Calculator na Pumapalatak (Blog Post 1)

Walang maisip na isusulat ang amo kong si RK. Pagod yata ang isip kaka-solve ng kung anu-anong problema. Narinig ko nga minsan na pagod na rin daw kakahanap kay X. Pinagtatawanan ko na nga minsan e. Hanap ng hanap sa X niya, habang tanong ng tanong ng Y. Kaya para sa ikaliligaya ng lahat, sabay sabay nating ipapahiya…

RK: Ahhh. Ehhh. Hmmmm.May…

Pagpasensyahan niyo yang si RK. Masyado talagang ma-epal yan e. Going back, ako si Kali, ang submissive pero reklamador at the same time na calculator ng amo kong mapang-api na si RK. Walang maisip tong si RK, pabukas bukas pa ng blog, tamad din namang magsulat. Hindi ako ang nagpumilit na mag-apply sa kanya bilang writer niya! Siya ang pumilit sa akin!

Image via iconarchive.com

RK: Ahh. Ehhh. *kamot sa ulo* Buti nga tinanggap pa kita rito e.

Kung alam niyo lang kung paano ako i-trato nitong taong ito. May mga instances na hinahanap ko ang bawat pagtipa niya sa akin, na para bagang gusto talaga ng katawan kong maramdaman ang bawat hagod ng kanyang daliri, pero minsan, kahit wala ako sa mood, bigla niya na lang akong dudukutin at titipain at pipindutin niya ako ng walang pakundangan. Minsan, marahas siya. Minsan, malambing, minsan naman sakto lang. Ito yung mga panahon na wala naman talaga siyang ibubuga; masabi niya lang na mapagbigyan niya lang din ako sa pindutan session namin.

Tik. Tik. Tak. Tak. Tik. Tik. Sine cosine square root. Pie. 9.81. Atmospheric Pressure Constant. 2, 546.45, 234.89, 73.2. tak. Tak. Tik. Takkkk. Taaaak. Input. Output.

Halos apat na taon na kaming magkasama nitong si RK. Pero bago yon, may nakapindutan na ring ibang calculator yan! Iniwan nga lang siya bago magtapos ang unang sem. Biglang nawala. Naisip sigurong walang kwentang karelasyon tong si RK. Akalain mong napagtiyagaan ko itong tamad na estudyanteng ng engineering na ‘to? Ow. Well. Ganyan naman kasi talaga sa isang relasyon e, pilit nating iintindihin ano man ang ugali ng ating gustong makasama sa habang buhay.

Maraming flaws yang si RK. Ako, halos wala. Bukod sa balang araw pwede na rin akong manghina dahil mauubos na ang aking battery, wala na talaga akong ibang flaws. Madalang ang bug. Hindi pwedeng maging mali. Dahil sa bawat magiging pagkakamali ko, isang pangarap ang liliparin sa kawalan.

Mauubusan ng baterya pero ilang buwan din namang pwedeng pagtiyagaan ang solar panel na magsisilbing pansamantalang life support bago tuluyang palitan ng baterya o bago tuluyang palitan ng permanente. Sumasagot ako ng depende sa itatanong ng aking amo. Kung magkamali ka ng input na siya mong tanong sa akin, mali rin ang isasagot ko sayo. Sana ganito rin sa mundo ng social media na kung saan, matatanggap nilang mali ang sagot mo dahil pwede mong sabihing mali sila ng tanong. Madalas kong idahilan kapag mali ako ng sagot sa exams, namali ako ng input e. Namali ng tanong. Para maiwasan ang maging tanga. O para mas mapagbigyang lumusot ang nagtatanga-tangahan.

At muli, para sa ikaliligaya ng lahat at habang nagpapahinga at naglilibang libang si RK, aabalahin natin siya para mapagod ulit. Katulad ng pagtatanong niya sa akin sa tuwina, bibigyan ko siya ng partida! Hindi mathematical equations ang i-babalik kong tanong sa kanya kundi mga tanong na paniguradong mapapahiya siya! Mas lalo mapapahiya kung Math ang paguusapan dahil 1 plus 1 itinatanong niya pa sakin.

RK: Ahhhh. Grabe na rin talaga yung pang-aalipusta mo sakin ano? Hehehe. Slumbook baaa…

Image via youtube.com

*lights on*
*game show spotlight and sound effects*
*drum roll* *drum beat* *heart beats*


Q: Bakit ka nag-engineering?

RK: Nabigla ako. Sa tanong na yan, hindi naman talaga dapat engineering ang dapat na pinasok ko. Hinubog ko ang aking sarili ayon sa ganap ng mga salita at pagbuo ng mga pangungusap. In short, gusto ko sanang maging isang manunulat slash journalist or broadcaster.

Q: So bakit nga engineering?

RK: Ahh. Ganito kasi yan ano. Hindi ko naman talaga gusto ang engineering e. Wala nga akong kaalam-alam sa kung ano ang engineering dati e! Ang alam ko lang, gumagawa sila ng bahay. Taposss… Uhhh.

Q: Ninenerbyos ka ba? RK: uhhh. Actually, pinagpapawisan nga ako ng malamig e!

Q: So why engineering?

RK: Akala ko nasagot ko na to? Q: Hawak ko ang pamilya mo. At once na hindi mo pa to sinagot ng diretso, isa!
RK: Grabe! Nag-engineering ako dahil hindi ko alam. Nakita ko lang siya sa isa sa mga list of courses habang matiyaga akong nakapila para sa pagbabayad para sa entrance exam. Nagandahan ako sa Civil Engineering. Kung tutuusin, last minute yon ng pag-iisip dahil kinalimutan ko muna yung Journalism at kinakailangan kong maglagay ng isang on industry profession sa first choice ko. Masuwerte namang naipasa ko yung entrance exam lalo’t wala akong masyadong alam sa Math. 5 minutes na lang yata ang natitirang oras, naghuhula pa rin ako. Dun ko napagtantong, baka swerte-hin din naman ako sa Engineering.

Q: Anong alam mo sa Math?

RK: Kakasabi ko lang din kanina ano? Wala akong alam masyado sa Math.

Q: Aabot ka ba ng college kung wala ka talagang alam?

RK: *kamot sa ulo* Limitado lang ang alam ko sa Math. Umasa akong baka nasalinan din naman ako kahit papaano ng genes ng tatay kong teacher ng Mathematics kaya panay pagtulog lang sa oras ng Math ang ginawa ko noong High school ako. Pero marunong ako mag-plot sa Cartesian Plane. Natutunan ko yon dahil ginising ako ng teacher ko at tuturuan daw niya ako sa blackboard non. Simple lang naman pala! Ipinagmamalaki ko yon noong 1st year college ako!

Yung scientific calculator, palamuti lang sakin dati yun e. Natutuwa ako kasi pwedeng maglagay ng variables na letters tapos ini-input yung pangalan nung crush ko. Tsaka may Sin, Cos, Tan. Basta asteeeeg!

Q: Pero balita ko’y panlaban ka raw sa Math Quiz Bee nung elementary ka?

RK: Dapat hindi mo na sinabi yan dito. Nakakahiya. Pwede bang alisin sa transcript ng interview yon?
Q: Sumagot ka na lang.

RK: Ahh. Eeee.Oo. Marunong ako ng simpleng arithmetic. Mabilis nga ako mag-multiply, add e. Pero nung high school, nung nahaluan na ng letters yung numbers, dun ko napagtanto sa sarili kong hindi pala pwedeng pagsamahin sa puso ko ang engineering at journo Numero at letra. Nahihirapan ako.

Q: Sa madaling sabi, hindi mo gusto ang course na pinasok mo? Anong mga hardships ang dinanas mo habang nakikipagtunggali ka sa iyong sarili?

RK: Dahil sa kagustuhang makapagsulat pa rin, sumali ako sa University Publication at napili naman akong apprentice. Mahirap lalo’t nabubuhos doon yung oras ko at hindi ko napagtuunan masyado ng pansin yung mga simpleng mathematics subject ko.

Q: Bumagsak ka?

RK: Oo?

Q: Anong subject at paano mo nalagpasan ‘yon?

RK: College Algebra. Hindi na ako nakakuha ng finals dahil sobrang hindi na kayang hugutin mula sa kailaliman yung grade ko. Sobrang bagsak din ako katulad nung grade ko. Marami akong choices non, lumipat ng school o mag-shift na rin ng course. Pero napag-isip isip kong sayang na ang panahon. Naramdaman kong balang araw, may pagsisisihan din akong hindi ko tinapos yung nasimulan ko. Bago pala ‘yon, na-interview pa ako para sa project ng mga babagsakin din sa Math galing sa Arts and Sciences department. Video Interview sa kung papaano mamahalin ang Math. Pagkatapos non, napag-isip isip kong mahirap magbigay ng payo lalo’t alam mo sa sarili mong hindi mo naman alam kung ano ba ang dapat ipayo. Lalo’t problema mo rin ang problema nila.
Mahirap umamin sa magulang. Baka bigla nila akong batukan. Pero tinanggap pa rin naman nila sa huli. Sila yung naging hawakan ko para makabangon. Lumipat ako ng school, nagpanibagong buhay. Sinubukang mahalin yung course na nasimulan ko na.

Q: Mahal mo na?

RK: Oo. Matagal ko na siyang mahal. Alam mo ‘yun, sa tuwing nakikita ko siya, yung mga mata niya, yung mukha niya, yung buong pagkatao niya, I feel na siya na talaga. Hihihi.

Q: Hindi yung Jowa mo tinatanong ko. Yung course mo. Kumusta ka na ngayon sa Engineering?

RK: Ah. Hehehe. Oo naman! Matutunan mo ring mahalin ang isang bagay kung bibigyan mo ng atensyon at bubuhusan mo ng pagmamahal at determinasyon. Huwag ka nang umangal! Hindi ito about sa pag-ibig sa tao. Ito’y patungkol sa pag-ibig mo sa ‘yong hinaharap! Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, may kaibigang nagtext, nagsabing hindi naman sa algebra natatapos ang buhay ko. At heto nga ako, nagpapatuloy ang buhay. Dahil magiging parte ng buhay ko ang engineering. O maaring buhay ko na rin ito. Sa ngayon, nakakaintindi naman na ako ng simpleng algebra. At medyo sinu-suwerte suwerte pa rin. Hehehe.

Q: Anong maipapayo mo sa mga tulad mo noong hindi gusto ang course at bumagsak din katulad mo?

RK: Hindi manggagaling sa akin ang payong magpapabangon sa mga katulad nilang lugmok. Kundi galing din mismo sa mga taong nagpatikim sa akin ng pagkabigo at unang singko sa transcript of records ko. Sinabi ni Trigo Instructor: Alam kong marami sa inyo ang hindi rin naman gusto ang engineering. Pero kung hindi niyo talaga ito gusto, bakit kayo nandito? Na susundan ni Algebra Instructor/Finisher: Malalaman niyo lang ang halaga ng isang subject kapag bumagsak na kayo rito.

Minsan pala, may isang karanasang kakatok sa kukote natin para baguhin tayo o maghatid ng isang aral. Kailangan nating makatikim ng pagkabigo at pagkakadapa para matutong bumangon at isiping hindi na dapat na muling madapa. O para maisip na kailangang bumangon ng bumagon kapag nadadapa. Sa mga nakatikim ng pagkabagsak, hindi naman basehan ng pagkatao ang grado. Minsan sapat nang alam natin sa sarili nating, we did our best. Mas mabuti nang bumagsak na may nalaman kahit na papaano kesa pumasa na walang ibang itinatanong sa umpisa ng semestre na, nambabagsak ba yang prof na yan?

Hindi sa akin manggagaling ang payo. Sa kanila mismo. O sa kanilang karanasan mismo.

Q: May kwenta ka rin pala kausap. Minsan. Hehe. Para sa huling katanungan at magsisilbi mong assignment, what is the integral of eks iskweyrd plus 3 eks – 2?

RK: Aba teka! Nakatali pa ako ah?! Tulong! Nagisisi akong kinuha kitang writer sa blog ko Kaliiii!

Mga Kwento’t Hinaing ng Calculator na Pumapalatak (BUENA MANONG PAGBAGSAK)

Tik. Tik. Tak. Tak. Tak. Tak. Tak. Tik. Tik. Tak.
Bae bae bae baam baam
Bae bae bae baam baam
자꾸 어지러워 생각지도 못한 네가 훅 훅 훅 들어와 baam (baam)
나를 흔들어 무심하게 던진 말에
Pick pick pick 쓰러져 baam (baam)

Tutok ang mga matang nakaharap sa maghapon nang nakabukas na laptop. Nakatutok sa librong tuwing papalapit lang ang quiz nahahawakan. I-dagdag pa ang naka-charge na cellphone na naglalaman ng sandamukal na PDFs. Hawak ang bolpen sa kanang kamay at pasaglit na tumitipa sa mga buttons ng calculator na tuluyan nang naglaho ang mga numero at functions na nakasulat. Tumutulong dugo mula sa noo patungo sa scratch paper na pinaglalagyan ng mga walang katapusang formula. Sige sa pagpalatak ang kawawang calculator. Pwedeng nasasarapan sa bawat hagod ng daliri. Pwede rin namang nadidismaya sa bawat mala-hampas na delubyo ng mapang-aping daliri ng kanyang Panginoon. Walang kapagurang motivation galing sa sarili at galing sa iba para hindi mapagod ang sarili. Go RK! Kaya mo yan!

Ganyan sana ang dapat na ginawa’t nangyari isang gabi bago ang nalalapit na unang quiz. Pero sa mundong laging taliwas ang nangyayari sa inaasahan. Iba ang naganap.

Ikaapat na taon na sa Civil Engineering. Unang semestre. Matiyaga silang nagrereview para sa kanilang Fluid Mechanics subject para sa nalalapit na pangalawang pagkalipol ng mundo gamit ang tubig. (Quiz lang talaga ‘yun. Pero ganun nararamdaman ko e.) May kasabay pang dalawang subjects yun kinabukasan.

Ilang oras na pagso-solve ng mga problems mula level 1 up to level nth. Tatlumpung minutong break. Oo! Kailangan talaga ‘yon para hindi ganun ma-lugaw ang utak. Hehehe. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Malakas ang internet. Maraming data para sa Youtube na pa-promo ng isang sikat na network na itatago natin sa katangiang may pagka-matalino. Search ng dance craze ng Momoland.

Image via allkpop.com

Osige. Isang video pa. Tapos re-review na ulit tayo ha. Multiply by 5. Multiply by 2. *sayaw* *sayaw* *kagat labi*

Estudyante 1: Osiyaaaa! Inaantok na rin ako e. Bukas na lang ulit tayo mag-review ulit. Hindi ko na kaya.

Estudyante 2: (Magpupumilit munang magreview kahit na Momoland ang nasa isip at napapasayaw pa siya. Pipilitin punan ang oras na naaksaya.) *sulat* *pindot pindot* Think. Think! You can do it!

Makalipas ang labinlimang minuto. Natulog.

At natulog din siya ng sumunod na araw na bitbit ang sama ng loob dahil hindi niya nasagutan ang napakadaling (ayon sa propesor) buena manong quiz sa Fluid Mechanics. Nakita pa siyang ngumingiti-ngiti pagkatanggap niya nito at pine-pre read niya ang nilalaman ng naturang quiz. Subalit nakita rin siyang nakasimangot pagkatapos ng period na ‘yon.

Ngumingiti, Ngumingisi. Tumatawa. Pwedeng dahil sa alam niya ang isasagot, pwede rin namang alam niyang wala siyang kaalam-alam. O baka nagpupumilit na kunwari wala siyang alam para hindi ganoon kasakit ang napipintong pagbubukas ng impyerno – pagbagsak! O baka tuluyang nabaliw; hindi alam ang pinasok niya.

Intro pa lang niya ito. Marami pang mga kwento. Mga normal at tipikal na kwentong nangyayari sa bawat araw na dumaan at dumadaan sa bawat gabing pinaglalamayan ng isang inhinyerong estudyanteng katulad ko.

Sabay-sabay higupin at itagay ang ikalawa’t ikatlong tasa ng mainit na kapeng pinalalamig din naman. Para mas madaling higupin at tanggapin ng lalamunan at diwang uhaw sa kagisingan. (Parang relasyon niyong automatic na mainit ang pagmamahalan noong umpisa, pero lumamig na rin sa paglipas ng panahon. Pinalamig hindi para higupin, kundi para isuka.)

Isang blog ng mahilig rumeklamong calculator sa loob ng aking naghihikahos na blog. Abangan!

Image via dreamstime.com

Tangina nitong si RK. Nakaka-pressure! Kung makapindot ng calculator, akala mo pagkadami-daming isasagot.


Sayaw na lang tayo.

Bae bae bae baam baam
Bae bae bae baam baamOh 네가 날 보니까 나도 널 보잖아

뚜루루뚜 삐비빅
신호를 보내잖아
Eh-eh 동공이 흔들려

Babasahing hindi mo dapat binabasa

Huwag basahin. Bawal basahin ito.

Tawa ako ng tawa kahapong tanghali. May kung anong sumpa ng tawa akong nararamdaman kahapon dahil sa isa sa mga epic na bagay na nagawa ko. Pero hindi yun ang issue. Ang issue ay patungkol sa akin na tawa ng tawa kasama ang aking kaklase na lumalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Lunch break namin. Kailangang punan ang kalam ng sikmura bago ulit sumabak sa laban sa classroom. Pero bago pa man malamanan at mapagbigyan ang tumuturok na sensasyon sa aking sikmura, bigla akong nagulat. Parang may nanghuhuli ng mga nakawalang gansa. Isa ako don sa mga hinuhuli. Naudlot ang napinpintong paglamon.

Guard: Hoy! Isa ka pa. Tsaka ikaw pa!

Sa araw-araw na pagkakita ko sa kanya bilang isa sa pinakamatikas na guwardyang minsan ko nang binati ng magandang umaga, kilala ko siya bilang may mapulang mukhang may pagka-tisoy. Pero iba yung pula niya noong tanghaling ‘yon. Parang natatae na nagagalit kase may mga kadalagahan pang kwentuhan pa ng kwentuhan sa loob ng CR habang siya’y tinitiis ang kalbaryo ng tiyang kumukulo.

Guard: Sinabi naman nang huwag kayong dadaan sa may parking area! Hindi nyo pa nakita yung harang?!

Napalitan ng kaba yung tawa ko. Ilang segundong puspusang pagiisip ng idadahilan sa nagawa kong violation na kasalukuyan ko noong iniisip din kung ano. Mahirap pala magisip ng i-dadahilan lalo’t ikaw mismo, hindi alam ang dahilan bakit ka magdadahilan. Pinalapit kami ng gwardya sa nakaupong direktor sa may gate. (Direktor siya ng kung anong department. Di ko lang matandaan. Another violation!) Ang siste, may nawala doon sa isa sa mga sasakyan at kinakailangang harangan muna yung parking lot. Pero isa ako sa mga ‘unconscious’ na napadaan lalo’t nakasanayan at madaling dumaan dun palabas ng gate.

Ako: Sir. Hindi ko po napansin yung harang e.
Sir: Anong hindi mo napansin yung harang totoy. 4th year pa naman kayo. Nakakahiya!

Marami pa siyang sinabi. Hindi ko na matandaan. Ang natandaan ko na lang ay sige ako sa paghingi ng sorry sa kanila dahil sa violation ko habang ibinibigay ang pangalan ko. Kakausapin daw kami. Tipong seminar.

Mahilig din naman talaga akong sumuway sa mga simpleng batas o alituntunin. Conscious man ako o hindi. Katulad ng mga sumusunod:

1. Pumitas ng bulaklak sa taniman ng mga rose kahit na nagsusumigaw na ang babalang nakasulat: BAWAL PUMITAS NG BULAKLAK. Aba, dagdag points sa crush ko kapag nagbigay ako ng bulaklak. Dagdag violation din ang pagtapak ko sa Bermuda grass. Hehehe.

2. Wet paint. Matik yun. Gusto ko makasigurado ano? Pilipino tayo. Bakit tayo magpapaloko?

3. Kumuha ng excess na fishball. Kinuwentuhan ako minsan ng kaibigan ko na nagawa niya yon! At oo! Hindi ako ito! Pero unconscious lang talaga ako nun! *tusok habang abalang nagpiprito ng paninda si Ale*

4. Tanging sa canteen lang kayo bibili ng pagkain. Numero unong batas ni Principal nung high school kami. Nasawa sa sopas na maputla, nakita ko na lang ang sarili kong sumusuot sa butas sa pader na pinaglalagyan ng aircon. Kasalukuyang kinukumpuni kaya kasalukuyan ding wala. Bitbit ko ang pinabiling pagkain ng mga kaklase ko isang araw habang break time.

5. Lantarang pagbutas ng pader gamit ang dilaw na likido galing sa aking pantog na may kasamang salts and urea ng aking katawan. Aba! Daks nga naman tayo! Bakit tayo mahihiyang mag-violate diba?

Marami pang mga kalokohang nagawa. Mga rules na na-violate. Bawal tumawid. Bawal magtapon. Bawal umihi. Mga batas na sinasalaula. (Pusong sinugatan. Winasak na tahanan. Matang pinaluha. Sa pagkakataong ito ay titigil muna ako sa pagkanta. Napapaghalataan ang edad. Ooooops.)

Marami pa na, alam kong sa sarili mo, matatawa ka rin kapag naalala mo. And it’s been a part of our culture na nagpapasaya sa ating mga Pilipino. At nagbibigay kulay rin syempre sa buhay nating malamlam. Kaya nga tayo tinawag na resilient e. Tipong pagkarami-rami na ng problema, habang bumabangon, nakingiti pa rin at nakatawa.

Sa pag-ibig lang ata hindi reselient ang mga kabataang Pilipino. Gumuguho mundo nilang sila ang pinaikot. Hahahahaha.

Nagkataon lang sigurong kanina, wala ako sa mood magloko tapos napatyempo lang na nakagawa ako ng violation kaya medyo epic sa pakiramdam. Parang pag-ibig. Kung kelang gusto mo nang magseryoso, tsaka ka naman hindi sineseryoso. *burp* *suka*

Marami akong gustong idahilan. Dala ng prinsipyo siguro kung meron man ako nun. Pero Pilipino nga pala tayo. Tumawa na lang ako. Katulad ng lagpas singkwentang estudyanteng violator din. Hahahahaha.

Tsaka ko napagisip isip kanina. Pilipino nga pala tayo. Sanay na tinatawanan ang sariling pagkakamali’t kapintasan ng iba. Pero sapat na bang sabihing, Pilipino tayo? Habang pinagtatawanan ang mga sarili. Habang pinagtatawanan ng ibang dayuhan, sinasabi nating Pilipino tayo. Pero biglang ganito:

Image via pep.ph

At ganito.

Image via digitalmusicnews.com

Bakit hindi minsan, ganito naman?

Image via choosephilippines.com

Hoy RK! Sanay na tayong tinatapakan ng ibang dayuhan. Bakit hindi na lang tayo ang gumawa nito sa ating sarili diba? Marami na nga silang ibinibigay na tulong, pati pag-alipusta sa sariling lahi natin, ipapatrabaho pa natin sa kanila? Come on! Let’s step on our own shit!

Ngayon, tatanungin kita. Pilipino ka pa rin ba?

Image via greenpeace.org

 

Image via greenpeace.org

 

Image via getrealphilippines.com

 

$_$: Kunsebegey, those fuckin lawmakers eng eneng lemelebeg se laws ne genegewe nele. Why should I respect your fuckin’ laws? Besides, it’s too hot in your country. Di teled se States. Wele be keyeng airken?

PHP: At least samin, may aso. Sa inyo, wala. Dog kase sa inyo. Hahaha.

Kanina ka pa may violation, sinabi nang huwag basahin to e!

Wasak.

Sulating may Wakasang Wasak (Mga Dahilang Dinadahilan lang)

My Autobiography.
I am RK Hermoso, and I am 10 years old. I was born on the 1st day of February, on the year of 1998. I am the third of my fifth sibling. *Bura* The third of the five child. *Bura* children of… *ugh* *kagat sa dulo ng eraser* *tingin sa kisame*

Wasak.

Image via facebook.com

Mula sa ooh..oohh..ahhh…ahhh.. Hanggang magkaroon ng mga simbolo sa pagsusulat, umabot tayo sa lipunang ito na pwedeng pagsisihang hindi inabot ng sinaunang sibilisasyon o pwede rin nilang ipagpasalamat.

A building, wall, etc., that has fallen to pieces: guho. 2. Destruction, very great damage, overthrow; wasak, pagkawasak, malaking pinsala (kasiraan) 3. a fallen or decayed condition; pagkagupo, pagkawasak.
http://www.tagalog-dictionary.com

Salitang nagpapakita lang noon ng pagkasira ng isang bagay at ngayon ay nagpapakita lang na ang lengguwahe ay dinamiko at nagbabago. Ngayon, ito ay isang salitang slang na nangangahulugang lango sa alak at sa ipinagbabawal na gamot. Totoo, na masarap naman talagang makipagkwentuhan habang may dumadaloy na alcohol sa ating mga ugat. Huwag nga lang ‘yung maghahamon na ng suntukan at baka ikaw na ang isinusulat sa diyaryo mamaya lamang. Pinatay ng mga kainuman dahil mayabang o matakaw sa pulutang sisig. Bilang isang nag-uumpisang manunulat, madalas akong nakakakuha ng mga ideyang tanging mga lasing lamang ang nakakapag-formulate sa kanilang mga isipan. Orayt!

Sa lipunang ginagalawan naman ngayon ng mga wasak na puso at pinatatakbo ang mundo sa pamamagitan ng paghugot na hindi naman natin alam kung ano ang hinuhugot at pinaghuhugutan, (teka, may isinuksok ba?) , iba naman ang nais ipakahulugan ng salitang wasak. Kawasakang parang sa tingin nila ay hindi na magagamot. Wasak at basag na puso. Sabay iyak. May salitang wasak pa rin na hilig gamitin ang mga lalaki pero alang-alang sa mga under 18 na magbabasa sa blog na ito. *TELEVISION COLOR BARS with SOUNDS* (Parang meron na akong isang ebidensyang pwedeng ipagpasalamat nina Aristotle, Newton, Shakespear, Alighieri, Rizal ang hindi nila pag-abot sa panahon na ito.)

Bakit nga ba ako nagsusulat? At bakit nga ba ako napunta sa ganitong uri ng pagpapahayag. Marami naman tayong dahilan kung bakit tayo nagsusulat. Pwedeng dahil lang sa pressure na ini-aatang satin ng ating guro o propesor para sa araw-araw na sulating pormal noong elementary tayo o pagsusulat ng essay ngayong nasa kolehiyo na. Pwede rin namang gusto nating gumawa ng isang panibagong ideyolohiya’t panibagong iskema. Pwede ring gusto mo lang magsulat talaga.

Image via goinswriter.com

Grade 6 ako nang una akong makatikim ng hirap ng paghahanap ng mga salita para sa mga sulating, My Autobiography, What did You do during Vacation, What is your new year’s resolution. Napagtawanan pa nga ako ng teacher ko dahil sinabi kong new year’s resolution ko e magsusuklay na ako ng buhok ko araw-araw. Sa mga sulating pormal din ako naging instant translator. (Oo, manghang mangha ako noon sa mga napapanuod ko sa TV na nagsasalita ng ibang lengguwahe tapos ita-translate nung isang kaharap niya para mas maintindihan ng nakararami.) Naging translator ako dahil nakita kong parehas lang naman ang mga topic na pinapagawa sa English at Filipino. Ayos! Kung may subject lang din kaming sign language, siguro nai-translate ko rin yun e.

Magtatapos na ako sa elementary nang matapos ko ang isang dulang adventure ng magkakaibigan na napupunta sa kung saan-saang lugar. Masaya sa loob kong pinapag-pasahan ‘yon ng mga kaklase ko. Bilang kapalit, binibigyan nila ako ng papel na pagsusulatan ko. Sinundan ito nung mag-high school ako ng isang kwento tungkol naman sa magkakaibigang ginamit ang kapangyarihan ng magic spells para agawin mula sa nakaraan ang isang anting-anting na kasalukuyang ginagamit sa ngalan ng kasamaan. Mga kaklase ko rin ang siyang naging unang kritiko ng sulatin kong ito. Ilang beses ko ring nagamit ang play of words para sumulat ng love letter para sa crush ko. May mga panahong natuwa sila, may mga panahong nabasted. Yieeeeeeee.

Napapaiyak tayo ng mga nababasa natin. Nadadala ang damdamin. Natawa. Nasiyahan. Saya! Isa sa dahilan kung bakit ako nagsusulat, dito ako masaya. Para bang may kakaibang kiliti na humahaplos sa leeg ko habang tumitipa ako ng mga salita para sa isinusulat kong kwento o sanaysay. Gumagaan ang aking damdamin. Mode of releasing din sabi nila. Dito, masasabi mo ang mga gusto mong sabihin, direkta man o pwede rin namang gumamit ng metapora o mga play of words.

Nakalagay sa abouts ko rito sa blog ko na ako ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Civil Engineering at mapapansin niyo, sobrang malayong malayo ang paghahananap kay X, (hindi ko na hinahanap yung ex ko huy! Huwag kang ano riyan! *hikbi*) sa pagbubuo ng mga letra, salita, parirala’t pangungusap. So ang tanong, bakit ako nagsusulat? Simple lang. May isang puwang sa puso’t isipan ko ang pagsusulat. Way back 2014 nang mapag-usapan namin sa publication ang tungkol sa dahilan kung bakit kami naroon sa loob ng opisina namin at nagsusulat. Kanya-kanya kaming bigay ng dahilan pero sa isang senior writer namin ang nangibabaw ang sagot – Hindi ko alam ang tangi niyang naisagot. At napagtanto naming, hindi naman pala natin kailangang alamin lahat ng dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Minsan, sapat nang sagot ang simpleng hindi ko alam. Hindi na kailangan pa ng nobelang kwento’t dahilan. Minsan pa, sapat nang masaya tayo. Sa maraming pagkakataon pa nga, kapag nakita pa natin yung dahilan, saka unti-unting nawawala ang interes natin para rito. Oo, parang pag-ibig. Hindi natin alam ang dahilan bakit natin mahal yung isang tao. Sa pagkakataong ito, gusto na kita sapakin. Puro pag-ibig laman ng isip mo e!

Civil Engineering Student na napunta minsan sa student publication sa isang university. Numero ang dapat kong kaharap. Pero patuloy kong ginugustong magsulat. Kung bakit hindi ako nag-pursue sa kursong may kaugnayan sa pagsusulat at kung may naisulat nga ba talaga ako, abangan mo na rin sa blog na ito. Hehehe.

Cue: Maalaala Mo Kaya. Carol Banawa.

Kanina lamang habang nagi-scroll ako sa social media, nakita ko ang bio ng isa sa mga kaka-accept ko pa lang na friend request. (Oo tama ang nabasa mo. Meron ding nagpe-friend request sakin. At take note, marami sila. Mga lagpas dalawa.)

Image via mybroadband.co.za

Ooops. Hindi pala yan! Jusko.

“Pen is my powerful weapon.”

Sa pagbabasa basa ko kanina sa internet, nakita kong literal palang pwedeng gamitin ang ballpen sa tactical defense. (Na maari ko rin namang i-share sayo sa mga susunod na mga araw kung gusto mo.) Pero hindi nito naipananggalang ang buhay ng mismong manunulat na binaril, pinahirapan, at dinusta sa apoy at kahihiyan, Pero, panulat din naman ang siyang mismong naging kalasag ng mga manunulat na ito para ipagsanggalang tayo sa mapagkutyang lipunan, pangangasiwang may makipot na isipan at higit sa lahat, kamangmagan. May naiambag din ang panulat syempre sa sibilisasyon para manatiling buhay, kumilos at makasabay sa pagbabago sa harap ng mga balakid.

Image via eutopiainstitute.org

Tamang sabihin nating marami nang narating at nagawa ang pagsusulat para marating natin ang mundong ginagalawan natin sa ngayon. Isipin mo, kayang gibain ng panulat ang isang malaking pader na nagpapa-bulag at siyang nagiging harang sa pagitan ng pamahalaan at ng madla, Kaya nitong itapon at pabagsakin ang isang nagtatapang-tapangang lider na tumatapak sa karapatan ng mga mamamayan. Isang artikulo rin ang maaring pagsama-samahin at gawing isang sigaw ang bulong ng mga taong napipi sa pagkakabusal sa kanila ng gobyerno. Higit sa lahat, kaya nitong amuyin ang kabulukan sa sistema at bumuo ng mga solusyon para mabago ito.

Iyan ang dahilan kung bakit may mga taong patuloy na nagsusulat, nagpapahayag ng damdamin, at patuloy na nagbibigay ng kabatiran sa mga taong nangangailangan ng kaliwanagan o nagpasiklab sa isang rebolusyon. Isipin mo na lang kung hindi sumulat si Rizal ng kanyang nobela at nakuntento na lang sa panchi-chicks sa Europa. Tal vez, todavia te cubrimos hoy y gritamos Viva Espana!

Image via thenorwichradical.com

Simpleng hobby man, trabaho, pagsusulat para sa eskwela o may nais tayong baguhin sa kasalukuyang paniniwala’t pilosopiya. Malaking bagay para sa atin at lipunan natin ang mga isinusulat nating ito na maaring maka-inspire o makapagpabago pa nga sa kasalukuyang sistema. Sa kabilang banda, isang malaking tanong din naman kung hindi nagbasa si Bonifacio ng mga akda ng iniidolo niyang si Rizal at iba pang mga akda ng mga prominenteng manunulat noong kapanahunan niya. Siguro hindi sumiklab ang rebolusyon. Alipin ka, alipin pa rin tayo ngayon. At oo ng apala, sa panulat din, natuto akong lumaya. Ipahayag ang damdamin. Sabihin ang anupamang nagpapabigat sa aking mga nararamdaman.

Image via investagrams.com

Sa pagsusulat din, marami akong natutunan. Naghahanap ng mga katanungang kailangan ng kasagutan. At nagbibigay ng kasagutan sa mga katanungang kailangang sagutin. O para panatilihing tanong ang isang tanong. At iwasang maging isang tanong ang sagot sa isang katanungan din.

Wakasang wasak.

Maraming mga kwento ang tinatawag nating wakasan. Yung mga kwentong hindi binibitin. Mga kwentong hindi katulad ng mga sinusubaybayan mong bastos na kwento sa diyaryo na paniguradong magdudulot ng pagsakit ng puson mo. Mas gusto ko yung mga kwentong tuloy-tuloy at malalaman mo kung ano yung mga nangyari sa mga tauhan sa unahan, sa gitna, at hanggang sa dulo. At kung paanong nagbabago ang bida, patuloy na nagiging masama ang kontrabida o kung paanong may mga tauhang nanatiling lapad. Pero, hindi magwawakas ang kwentuhang ito. Magdamag. Sabay nating harapin ang bukas habang patuloy tayong bumabangka ng kwento. Ako ang bangka, ikaw ang sagwan. Pwede ring vice versa.

Ako, sa ngayon, gusto ko lamang na ka-kwentuhan ka. Dumaloy ang usapan at sumabay sa agos.

Minsang sinabi ni C.S. Lewis:
“You can make everything by writing.”

Wasak man ang uri at estilo ng napipinto pa nating mga kwentuhan, malay mo, mabuo naman nito ang wasak na lipunang iginugupo na lang ng panahon palubog sa takot at kahihiyan. O baka malay natin, magamot na rin nito ang wasak na pusong binasag ng mga ex nyong nang-iwan sa inyo. San ba ‘yung tubo?

Marami nang nagawa ang pagsusulat para marating natin at makamtan ang kung ano mang kalayaan, ideolohiya’t pananaw na tinatamasa’t nararamdaman natin ngayon. Pero tandaan din nating bago marating yun, marami-rami ring galon ng pawis, luha at dugo ang nagpasiklab sa apoy at naging pulbura ng balang sumunog din mismo at pumatay sa mga manunulat noong sinaunang panahon. Huwag nating sayangin. Sumulat. Higit sa lahat, magbasa. Wala mang droga o alak, banayad nating namnamin ang bawat salitang mamumutawi sa ating mga labi. Tara, kwentuhan tayo!

O kung hindi mo pa rin naiintindihan, hayaan mong wasakin ko na lang ang ulo mo. Kanina ka pa pumupulutan e! Gusto mong kanin?!

*Hampas ng tubo sa ulo*
KA-BLAG! Wasak!

Bakit nga ba ako nagsusulat? At paano ako umabot sa ganito? O baka mas tamang itanong na, bakit tayo umabot sa ganitong mundo dahil sa pagsusulat?

UNANG PAGSEMPLANG.

Malubak ang daanan. Kumapit.

SEMPLANG.

Unang salitang pumasok sa isip ko habang last minute ko nang ini-imbento ang magiging pangalan ng blog ko. Pinagpasyahan kong gawaan ng koneksyon at i-angkop ang introduksyon sa masakit na salitang biglang sumingit sa isip ko. Salitang nagpapakita ng katangahan at kalampahan sa mundong pilit na ikinukubli ang kanilang mga kahinaan. Semplang para sa isang blog na magpupumilit na umahon at bumangon sa alon ng mas marami pang mga blogs. Blog na matagal ko nang pinlano, pero ngayon lang pumayag na maiskaupataran ng tadhanang mapaglaro. (Kaunting damay kay tadhana para at least hindi mapagkamalang tamad ako.) Matagal ko nang gustong magsulat pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.
Second year high school ako nang unang matutong magbisekleta. Noong taon ding yun ako unang nakatikim ng matinding semplang na disgrasya nang minsang mawalan ng preno ang sinasakyan ko. Noong mga panahon ding ‘yun tila abala akong sumakay lang ng sumakay sa paggulong ng buhay. Sumemplang. Pero bumangon. Wasak man ang ulo, literal at sa aspetong metapora.
Ako ay isang tipikal na tao. Natutuwa, nasisiyahan, nagagalit, naiinis. Tulad mo, marami rin akong rants sa lipunang ginagalawan ko. Tulad mo, estudyante rin ako. Nangopya, nagpakopya, bumagsak, nagkaroon ng uno puntong grado, pumasok sa eskwela nang may lambanog na nanalaytay sa katawan. Tulad mo, may puso rin ako. Nagmahal, nasaktan, minahal at nanakit. Higit sa lahat, may atay na handang i-proseso ang alak na idinidilig ng lalamunan sa sikmura. Tulad ng karaniwang kabataan, naghahanap ng sarili. Naghahanap ng kausap. Hinahanap ang puwang sa mundo. Kung katulad mo ako, halina’t pasukin ang munting blog na ito. Sabay tayong humithit ng sigarilyo, uminom ng alak, sumuka, humiga sa iniluwang basura ng ‘yong sikmura. Sabay tayong sumakay sa bisekleta at paggulungin ang kwentuhan habang binabaybay ang masalimuot na mundo. Pwedeng papunta sa buwan o kahit saang lugar na gusto mo, o pwedeng humiga tayo sa ilalim ng malawak na kalangitan habang pinapanuod ang hindi napapansing paggalaw ng konstelasyon at celestial bodies sa ibabaw natin. Sabay tayong sumakay sa bisekleta; pwedeng unicycle na tumatawid sa alambre habang may buwayang handa ka nang sakmalin dalawang metro lang ang agwat sa binabalansehan mo. Sakay ka lang at sabay tayong sumemplang. Sumemplang at bumangon muli. Para muling sumemplang. Kasama ko.
Ginawa ko ang blog na ito para sayong naghahanap din ng matatakbuhang ka-kwentuhan. Ihanda na ang isang bote ng gin at limang pirasong sitsirya. Pampa-init ng nanlalamig na damdamin. Pampalakas ng loob. Para masabi ang gusto mong sabihin sa ex mong iniwan ka o para magtapat ng nararamdaman sa crush mong wala atang nervous system kaya tuluyan nang pinanawan ng pandama. Pampalawak ng at panunaw ng utak – para maging sureball boxing analyst, environmental catalyst, political science expert, at NASA explorer ang bangag at makipot nating pagiisip maya-maya lamang. O simpleng pagkulay lang ng buhay mong naging malamlam buhat nang iwan ka niya sa ere.

(Kanina pa pag-ibig gusto mong pagusapan agad natin e. Sapakin na kita riyan e.)

Alay ko’y simpleng kwentuhan kasama ka. Mamaya kapag nalasing tayo, itatakas natin yung bisikleta nung anak ni Aling Myrna. Sabay tayong aalis. Hindi pa man alam ang pupuntahan, huwag kang matakot kung mawalan tayo ng preno. Ayos lang ‘yon. Sabay tayong sesemplang. Nanamnamin ang mura ni Aling Myrna at ni Brgy. Captain pagkatapos.

Tanga mo. Magbibisikleta ka na nga lang, sesemplang ka pa!